Monday, December 11, 2006
ChaCha Express: Patungo sa Kawalan

Ang tumakbo ng matulin, kung matinik malalim.

Iyan ang isa sa mga kasabihang Pilipino na angkop na angkop sa ginagawang sobrang pagmamadali ng mga alipores ni Pang. Gloria sa Kongreso sa pangunguna ni Jose De Venecia, ang ating kagalang-galang na ispiker. Dahil sa hindi umubra sa Korte Suprema ang People’s Initiative (P.I.), na sa acronym pa lang ay hindi na maganda at lalo na ang ginawa nila Lambino at ng Singaw este Sigaw ng Bayan, ngayon naman talagang pinipilit nila na matuloy na ang Constituent Assembly (Con-Ass) na sa acronym ulit ay hindi na maganda at lalo ulit ang balak na gawing panggagahasa nila sa Konstitusyon.

Sige, ituloy niyo na iyan. Ilagay ninyo lahat ng gusto niyo. Gusto niyo eh palitan niyo na ang pangalan ng Pilipinas. Republika ni Gloria et. al. o di kaya ipangalan na ninyo sa mga sarili ninyo ang bawat probinsya, bayan, barangay, kalsada o kahit pa magpatayo kayo ng tig-isang monumento para sa inyo.

Ilagay niyo na din na gusto ninyo na forever na kayong nadiyan at wala nang eleksyon. Kayo-kayo na lang ang mamili ng sinong Pangulo, Ay, di na nga pala Pangulo, Prime Minister na. Malamang gustong-gusto iyan ni de Venecia. Siyempre after all, ilang beses na bang naging ispiker iyan. Malamang manalo siya palagi. Kasi alam niya, dehins siya mananalo sa eleksyon. Kahit pa maglakad pa iyan ng paluhod mula sa Batasan hanggang sa Malakanyang.

At speaking of eleksyon, ayan makakatipid na tayo kasi wala nang eleksyon. Mind you, hindi lang ang gobyerno ang makakatipid kundi pati na kayo. Oo, kayong mga tumatakbo sa eleksyon. Hindi na ninyo kailangang magpamigay ng mag bigas, de lata o noodles sa mga nasa squatters area. Hindi niyo na din kailangan na bumili ng boto na may minimum na presyong 100 bawat boto. Hindi niyo na din kelangang umikot at magpakapagod sa kakakamay sa mga tao. Wala nang kampanya. At higit sa lahat, hindi na ninyo kelangang gumastos ng milyon-milyon para umarkila ng mga kagaya ni Garci o di kaya noong mga heneral para mandaya sa eleksyon. O di ba, malaking katipiran?

Maganda na rin na I-abolish na ninyo na ang Korte Suprema. O di ba? Para wala nang kontrabida, wala nang magsasabi na unconstitutional this and that, at wala nang mas tataas pa na Diyos sa inyo. You have absolute power. Puwede niyo na ipahuli si ganito o si ganyan. Puwede niyo nang barilin na lang ang lahat ng mga nagra-rally para tumahimik at wala nang masyadong kaguluhan; para tepok agad lahat. Puwede niyo na rin na iprivatize ang lahat: mga pier, kalsada, airport, kuryente, tubig, ospital at ang pinakamaganda eh lahat na ng paaralan: elementary, high school at college; para naman walang masyadong gastos.

At dahil wala nang gastos masyado, puwede niyo nang paghatihatian ang natipid natin. O di ba? Mas malaki ang delihensya niyo? Kumbaga eh, example kung dati eh 100 billion ang gastos natin sa edukasyon, eh di ngayon natipid natin iyun, so kung ilan kayo, say mga 200 kayo na mga gahaman kasama na si Prime Minister at lahat ng mga members ng Paliament, e di may tig-500 million kayo bawat isa, o di ba? Puwede na kayong mapasam sa mga pinakamayayamang tao sa mundo. Sa edukasyon lang ang natipid natin, paano pa sa iba, e di mas malaki pa, o di ba? Ang saya-saya.

E paano ba iyan? Malapit na ba magsimula ang maliligayang araw niyo? Na-a-ah… Gusto pala.

Subukan ninyong gawin lahat ng iyan. You’ll never know what will happen to you. Hindi kami tanga, bulag, bingi, pipi at manhid gaya niyo. Wala man kaming ginagawa ngayon, pero…nagmamasid kami. Ninanamnam ang bawat ginagawa niyo pero hindi naman ito pinalalampas.

At please lang, napak-obvious naman ng mga pinaggagawa ninyo. Puwede ba, itago nyo naman. Masyado nang obscene.

Sana lang… Mahulog na sa bangin ang tren na iyan.

posted by J.D. Lim 5:44 PM  
 
0 Comments:
Post a Comment
<< Home


Edukasyon Para sa Lahat

↑ Grab this Headline Animator


Edukasyon Para sa Lahat

About Me
Name: J.D. Lim
Home: Bulacan, Region III, Philippines

About Me: The journey is just beginning.
See my complete profile



Previous Post
The Journalist's Code of Ethics
Desperado na nga ba si Pangulong Gloria?
EDUCATE: Introduction
Archives
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
October 2007
February 2008
April 2009
My Own Network
Chatbox



Counter/Listings


online chat
Listed on BlogShares

Display Page Rank Icon


My blog is worth $564.54.
How much is your blog worth?


Links
TemplatePanic
Blogger

 

Advertisement

 

About This Blog

This blog is powered by Blogger and optimized for Firefox.
Blog designed by TemplatePanic.

BLOGGER

 
 

Business Affiliate ProgramsCouponPersonalsAdvertisingShopping